Transcript:
(Note: Tinukoy ang biktima bilang si “Ana” sa ibang mga report ng media.)
Dumating si Marie (hindi tunay na pangalan) sa Saudi Arabia noong 10 Nov. 2007. Ni-recruit sya bilang dressmaker (ayon sa kontrata na pinirmahan nya) pero ipinasok syang household service worker sa bahay ng isang nakilalang Mohammed Basara, Saudi national at nakatira malapit sa Makkah.
Sa passport ay 37 taong gulang na sya pero ang totoo 32 y/o lang dahil ang nasunod ay ang birth certificate na may typo-error. Mayroon syang asawa pero matagal na daw silang hiwalay at hindi na nabanggit kung mayroon syang anak.
Bago sya tumakas noong December 25, ginahasa na sya diumano ng kanyang amo kaya nakaisip syang tumakas na lang bandang 7AM.
Hindi sya kaagad nakasakay ng taxi paglabas nya ng bahay ng amo. May humintong sasakyan na minamaneho ng isang Saudi, tinukoy agad nito Saudi na takas sya sa amo kaya dadalhin daw sya sa Philippine Consulate. Dahil hindi pa sya nakakalayo sa bahay ng amo, naisip nyang sumama na. Nakiusap syang makigamit ng cellphone pero wala daw load ang telepono ng Saudi kaya dinala sya sa bahay ng isa nitong kaibigan. Doon ay ginahasa sya ng Saudi na nagsakay sa kanya.
Nang umalis ang ikalawang Saudi, nakitawag sya sa telepono ng may-ari ng bahay at nakausap ang mga tauhan ng Philippine Consulate. Sabi daw ng taga-Consulate, "bakit nandyan ka pa? lumabas ka na dyan."
Paalis na sana sya ulit nang bumalik ang ikalawang Saudi na may kasamang pangatlong Saudi at ginahasa din sya nito.
Binigyan sya ng ikalawang Saudi ng 5 riyal at ang sabi, ito daw ang ibabayad nya sa Saudi na maghahatid sa kanya sa Philippine Consulate.
Sumakay siya sa sasakyan ng ika-aapat na Saudi ngunit pinilit daw nito na makipag-sex muna sya bago ihatid. Kung hindi raw ay tatawag sya ng apat pa na gagahasa sa kanya.
Dinala sya ng ikaapat na Saudi sa isang liblib na lugar pero nagsisigaw na daw sya ng nagsisigaw. Narinig sya ng tatlong "Negro" at tinulungan sya ng mga ito kaya hindi natuloy ang ikaapat na pagtatangka ng panggagahasa.
Pumara ng taxi ang nasabing tatlong "Negro," pinasakay sya at ipinahatid sa Philippine Consulate.
Naharang pa sila sa checkpoint pero pagkatapos na sabihin nyang wala syang iqama (residential work permit) dahil kakarating nya lang, pinalampas na sila ng pulis hanggang makarating sya sa Consulate, hapon ng 25 Dec at ibinayad nya ang hawak nyang Philippine money.
Sa Welfare Center ng Consulate, kinuhanan lang daw sya ng statement. Hindi pa sya ipina-medical hanggang ngayon (30 Dec).
Ayon pa sa kanya, ang gusto na lang nya ay makauwi at hindi na sya maghahabol ng kaso dahil ayon sa kanya, wala syang ebidensya. Tinanong ko kung sino ang nagsabing wala syang ebidensya, ang sagot "huwag na lang daw anuhin..."
Nung tanungin ko bakit hindi na sya nagpamedical, kasi nakapaligo na daw sya nung dumating sya sa welfare center. Pero sinabi din nyang hawak pa nya ang underwear nya at ang suot nyang pajama at hindi pa daw nya ito nilalabhan hanggang ngayon.
Minsan daw, natutulala na lang sya pag naaalala nya ang sinapit nya.
Hindi nya alam kung ano ang Migrante at sinabi nyang tinawagan na sya ng Secretary ni VP Noli. Taga-Cainta, Rizal daw sya at ang mayor nila ay si dating ABS-CBN reporter Mon Ilagan.
(Una itong lumabas bilang balita sa DZMM noong 29 December 2007 ng umaga at sinegundahan kinagabihan sa TV Patrol Sabado ng araw ding iyon at tinukoy ang biktima bilang si “Ana.”)
30 December 2007
Inihanda ng Migrante Saudi Arabia - Women's Committee
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment