(Goody Cadaoas, a domestic helper in Hong Kong for 15 years and now working as staff for Migrante International in Manila made this poem to express solidarity to the newly formed Migrante chapter in Al Jouf, Saudi Arabia.)
“MALIGAYANG BATI”
By Gaudelia Cadaoas
Maligayang bati
Sa inyong pagsilang
Mga kapatid sa Al-Jouf
Ng gitnang silangan.
Ibat-ibang lugar man
Ang pinanggalingan
Iisang layunin ang dahilan
Kung bakit napadpad sa ibang bayan.
Alam naming
Sakripisyong iwan
Sintang kabiyak
At mahal na mga anak.
Ngunit dahil sa kawalan
Ng sapat na ikabuhay
Sapilitang makipagsapalaran
Kahit buhay' ilaan.
Hindi maiwasan
Suliranin sa pinaglilingkuran
Sumasabay pag-aalala
Sa pamilyang naiwan.
Kompanya ni kabayan
Iyong napagbalingan
Inilahad problema sa trabaho
At lungkot na nararamdaman.
Naging magkapatid
Ang s'yang turingan
Nagtulongan, nag-aliwan
Sa lungkot na naramdaman.
Kayo'y binigkis
Ng iisang layunin
Lumaban sa pang-aapi
Pagmaltrato sa ating lahi.
Kayo'y binigkis
Ng iisang damdamin
Magmahalan at magmalasakit
Sa ating mga kababayan.
At hindi lang dyan magtatapos
Ang higpit ng gapos
Pagkakaisa't kapatiran
Sa pagsulong sa agos.
Inyong ipaglalaban
Pambansang kasarinlan
Hanggang lubos na makamtan
Tunay na kalayaan.
Kinabukasan ng mga anak
Inyong isusulong
Sisiguraduhing matino
Hindi magnanakaw ang pangulo.
Kaya kami'y taas kamao
Pumupugay sa inyo
Sa matibay na kaisahan n'yo
Na patalsikin si Gloria Arroyo.
Muli ang aming pagbati
Sa bunsong migrante
T'yak ang inyong pagdami
Ito'y walang pasubali.
Mabuhay mga kapatid
Kami'y inyong kaagapay
Tayo'y sabay-sabay
Tutungo sa tagumpay
Saturday, March 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment