Wednesday, August 4, 2010

Itigil ang dagdag-singil sa e-passport fee!

OFW group launches petition-drive vs. e-passport fee hike

04 August 2010
STATEMENT

Migrante International, an alliance of overseas Filipino workers worldwide, today launched a petition-drive calling to put an immediate stop to the recent increase in e-passport fees.

The petition was launched in light of allegations that the contract entered into by the Department of Foreign Affairs (DFA), headed by Secretary Alberto Romulo, for the procurement of the new e-passport is illegal and tainted with corruption.

Migrante launched the petition drive at the seafarers’ recruitment center in T.M. Kalaw at lunch time today. (Attached is the full text of the petition drive)

Garry Martinez, Migrante International chairperson, said, “This petition drive will convey to the DFA and the government that Filipinos here and abroad are vehemently opposing this most recent fee imposition. Dagdag-pahirap ito sa ating mga OFWs at sa mamamayan.”

Martinez said that they will gather signatures from OFW communities and passport applicants converging in the POEA, OWWA and other passport application centers.

Migrante’s chapters abroad will also be disseminating the petition campaign to OFWs and supporters. OFWs from China, Hong Kong, the Middle East, Canada, Australia, United States, Italy, United Kingdom and other regions have been complaining of the recent e-passport fee hikes.

Signatures gathered will then be submitted to the DFA on August 23, anniversary of the Cry of Pugadlawin.

The new e-passport now costs P950 to P1,200 from P550 to P750 in the Philippines, while e-passport costs have risen abroad to as much as thrice as the previous rates and approximately $6 (USD) more than the fee prescribed for e-passports in the Philippines. ###

Reference:
Garry Martinez,
Chairperson, Migrante International
Tel. No.: +63-939-391418

+++++++++++++++++++++++++++++++++++
(full text of petition drive)

Itigil ang dagdag-singil sa e-passport fee!
Imbestigahan si DFA Sec. Romulo sa maanomalyang e-passport contract!


Kami, mga mamamayang Pilipino sa loob at labas ng bansa, ay mariing tumututol sa di-makatwiran, maanomalya at walang-abat na pagtaas ng singil sa e-passport.

Ang pagtaas ng singil sa e-passport ay dagdag-pabigat, lalo na ngayong panahon ng krisis. Hindi ito makatwiran dahil pilit na ipinapasa sa mamamayan ang gastusing dapat lamang na karguhin ng gobyerno.

Naglaan ang gobyerno ng P1.4 bilyon sa DFA para sa implementasyon ng proyektong e-passport, labas pa sa P530 milyong inutang ni Romulo sa Development Bank of the Philippines (DBP) na nakalaan diumano para sa pagpapagawa ng bagong gusali at mga pasilidad sa Mall of Asia para rito.

Bakit ngayon nagtaas ng singil para sa e-passport kung may nakalaan naman palang pondo ang gobyerno para rito?

Lalong hindi ito makatwiran dahil batbat ng katiwalian, “tongpats” at anomalya ang mismong kontratang pinasok ng Department of Foreign Affairs sa ilalim ni Sec. Alberto Romulo para sa panibagong e-passport. Tinatayang P120 milyon kada taong patong sa presyo ng laminates, o P50 kada laminate, para sa e-passport ang kinitang “tongpats” ni Romulo.

Kung gayon, lalong walang karapatan si Romulo at ang DFA na magtaas ng singil para sa e-passport gayong kinurakot na ang pondo para rito!

Malaking perwisyo rin para sa mga aplikante at mamamayan ang ubod ng bagal, walang sistema at mas pinahirap na proseso para sa application ng e-passport. Nasaan ngayon ang sinasabi ng DFA na para ito sa ikagiginhawa ng mamamayan?

Mariin ang panawagan ng Migrante International, sampu ng mga chapter nito sa loob at labas ng bansa, kasama na ang mamamayang nakapirma sa petisyong ito, na agad na ITIGIL ANG DAGDAG-SINGIL SA E-PASSPORT FEE at IMBESTIGAHAN AT PANAGUTIN SI ROMULO SA PANGUNGURAKOT SA BUWIS NG MAMAMAYAN SA E-PASSPORT CONTRACT. ###

No comments: