Notes ni Droidz
Pumunta kami kagabi (02 February 2008) sa ilalim ng tulay ~ ang tambayan ng mga stranded dito sa Saudi Arabia na nagsusubok na makauwi sa kani-kanilang bansa. Ito ang inabutan namin, isang linya ng tent kung saan natutulog ang mga Pinoy na stranded:
Inimbita kami doon ni Ate Edith, lider ng Kapisanan ng Migranteng Pilipino (KMP), isang organisasyon na kaanib ng Migrante International. Ang KMP ang direktang linya ng Migrante Saudi Arabia sa mga 'runaway' o 'stranded' dahil karamihan sa kanilang miyembro ay mga dating 'runaway' na nakabalik muli at nakapagtrabaho sa Saudi.
Ang balak lang namin talaga, bisitahin ang isang grupo na kinupkop ng KMP. Kaya naghanda kami ng kaunting mapagsasaluhan para sa kanila at ang karagdagang tent na kailangan nila para mayroon silang dagdag na tulugan.
Alas-diyes na noon ng gabi, hindi pa pala sila naghahapunan (nagtago sa camera si Ateng, ang nakatokang tagaluto ng oras na iyon).
Hindi namin naisip na nakapagplano na pala sila na magtungo sa Consulate ngayong araw na ito at talagang hinihintay nila kami upang hingin ang suporta ng Migrante. Ito naman si Bob Fajarito, ang Chairperson ng Migrante Jeddah kausap ang mga lider ng Pinoy sa ilalim ng tulay.
Hindi madali ang buhay ng 'stranded.' Bilang organisasyon at bilang indibidwal, naniniwala ako na dapat na silang makauwi sa lalong madaling panahon.
3 comments:
...helo po... pwede q po bang makuha ung mga pics d2 sa aricle nio, gagamitin q lang din po sa blogs q about sa ilalim ng tulay din xe iung title q... isa din po aqng ofw d2 sa KSA at gusto q lang din gumawa ng article regarding OFW na nakatira sa ilalim ng tulay... thanks.
Common sense dictates: we cannot grant permission to Anonymous requests. Our sincerest apologies.
Migrante KSA is a mass-based organization of Filipinos in Saudi Arabia. We therefore encourage like-minded individuals to echo and/or republish the contents of this blog, including photos and statements. We only request to provide a back-link to the blog entry where the contents are lifted in whole or in part.
We also encourage everybody to avoid Anonymous comments and requests. For further inquiry, please email us at migrante_ksa@yahoo.com.
Post a Comment