Friday, February 12, 2010

Palayain ang Morong 43

“PALAYAIN ANG 43 HEALTH WORKERS, MIDWIVES, VOLUNTEERS AT MEDICAL DOCTORS NA ILIGAL NA KINULONG AT INARESTO NG PASISTANG AFP/PNP”

12 PEBRERO 2010

Kaisa ng malawak na bilang mamamayan ang Migrante – KSA sa pagkondena sa ilegal at hindi makatarungang pag-aresto ng pinagsanib na pwersa ng AFP/PNP sa 43 health workers, midwives, volunteers at Medical Doctors sa Morong, Rizal noong ika-anim ng Pebrero taong kasalukuyan. Diumano’y nakakaranas ng pagtortyur, pananakit pisikal at sikolohikal ang mga binihag. Ang masaklap nito, ang mga kababaihang inaresto ay hindi rin nakaligtas sa diumano'y pangsasalaulang sekswal sa kamay ng mga dayukdok na militar at kapulisan.

Naninindigan ang Philippine Commission on Human Rights (CHR) na illegal ang ginawang paghalughog at paghuli sa mga 43 health workers, volunteers at Medical Doctors na kabilang First Responders Training na pinangunahan ng lehitimo at legal na organisasyong katulad ng Council for Health and Development.

Naghahabi ng kasinungalingan at naglulubid ng buhangin ang mga reaksyunaryong armadong pwersa ng pamahalaan, sa dikta ng Malacanang para paratangan ang mga inosenteng mamamayan bilang mga kasapi ng New People’s Army (NPA). Ang lahat na ito ay malinaw na bahagi ng palpak na Oplan Bantay-Laya-II na nakadisenyo para bigwasan ang mga legal, militante at progresibo na organisasyong kritiko ng bulok na rehimeng US-Arroyo.

Muling nasaksihan ng bayan ang kawalanghiyaan ng pamahalaan ng magtanim ito ng mga ebidensyang magdidiin sa inosenteng mga kalahok sa isang legal na seminar at pagpupulong na ang mithi’y sanayin ang masa sa medical first aid na magagamit sa mga emergency cases. Nagmistulang ‘Nazi Torturers’ ang mga elemento ng militar at kapulisan sa paglabag sa karapatang pantao ng 43 medical worker, volunteers, midwives at doctors na kanilang walang habag na inaresto at kinulong.

Nananawagan ang Migrante-KSA kay Gloria Macapagal-Arroyo na palayain na ang mga inaresto, at tigilan na ang kawalanghiyaang winawasiwas ng kanyang pamunuan sa taumbayan at sambayanan.

Para sa bayan,

(Sgd.) John T. Torres
Tagapagsalita, Migrante -KSA
Email: john_torresrt@yahoo.com.ph
Mobile: +966-056-0631439

(SGD.) Rodel Macalintal
Media & Campaign Officer
Email: rodelom@yahoo.com
Mobile No.: +966-055-1977512

Migrante Saudi Arabia
Migrante Partylist - KSA Chapter
Kapatiran sa Gitnang Silangan - Riyadh
Migrante Al Khobar
Migrante Jeddah
Kapatiran sa Gitnang Silangan - Dawadmi
Kapatiran sa Gitnang Silangan - Al Jouf
Samahang Manggagawa sa Saudi Arabia (MASA)
Migrante Eastern Province
Jeddah Filipino Society
Makabayan Saudi Arabia
Muslim-Christian OFW’s preparatory committee for Justice & Peace in KSA
Filipino – Community Allied Organizations in KSA.

No comments: