Kabayanihang hindi matatawaran at isang paghamon!
Pagpupugay sa kabayanihan
ni Rey Cayago ng Migrante International
26 Abril 2008
Migrante International - Kingdom of Saudi Arabia Chapter
Ipinapaabot ng Migrante International - Kingdom of Saudi Arabia Chapter ang maalab na pagpupugay sa pamilya at kaibigan ni Rey Cayago kaugnay ng kanyang pagbubuwis ng buhay para sa interes ng sambayanan.
Ang pag-aalay ng panahon, pawis at pagod ni Rey para sa interes ng migranteng Pilipino, una bilang kasapi ng Migrante International at kalaunan bilang organisador nito, ay hindi matatawaran. Ang kanyang paninindigan na magpatuloy sa pagkilos sa kabila ng kahirapan ay isang matibay na tanglaw upang magpatuloy ang bawat migrante na militanteng kumilos upang kalagin ang tanikala ng pagka-alipin.
Ang hanay ng migranteng Pilipino ay hindi insulado sa nagaganap na mga kabulukan, katiwalian at karahasan sa bansang iniwan. Ang pagbubuwis ni Rey ng buhay sa kamay ng pasistang militar ay isang patunay na walang sinisino ang karahasan.
Bilang mga Pilipinong itinaboy ng kahirapan at karahasan sa upang mangibang-bayan, nangangarap tayo (at hakbang-hakbang na lumilikha) ng isang lipunan kung saan makakapaghanap-buhay tayo at mamumuhay ng sagana nang hindi na kinakailangan pa ang mandayuhan.
Kung anuman ang ginagawa ni Rey sa Abra, kung anuman ang kanyang mga layunin sa pagtungo doon, maaring hindi na natin mauunawaan o malalaman kailanman. Marahil, sa kanyang paghahangad na baguhin ang abang kalagayan ng migrante, at ng sambayanan, nakasumpong si Rey ng kasagutan sa kanayunan.
Gayunman, ang pagbubuwis ni Rey ng buhay ay hindi isang estadistika lamang sa mahaba nang listahan ng karahasan ng estado.
Sa kabila ng pakikiramay (Beyond our condolences), ang pagbubuwis ni Rey ng buhay ay isang hamon sa hanay ng migranteng Pilipino upang aktibong lumahok sa pagbabago ng lipunan.
Mabuhay ang makabayan at militanteng kilusan ng migranteng Pilipino!
Sa migrante at sa bayan,
Migrante KSA
(Migrante International - Kingdom of Saudi Arabia Chapter)
For Reference:
Andrew M. Ociones
Chairperson
Tel. No.:+966-56-679-3202
Email: migrante_ksa@yahoo.com
URL: http://migrante-ksa.blogspot.com

Tel. No.:
Email: migrante_ksa@yahoo.com
URL: http://migrante-ksa.blogspot.com
No comments:
Post a Comment