Monday, June 15, 2009

BUHAY OFW

BUHAY OFW

Kay tagal mo na nga dito sa bansang disyerto
Bakit hanggang ngayo'y naririto kapa ijo
Dito mo na ba uubusin ang buhay mo?
Aba!!! magtira ka naman kahit konti sa pamilya mo.

Sa totoo lang-- gusto ko na ring magretiro
Pero "zero" balance pa rin ako
Anak kong sa "nursing "nag loko
Sa "call center nag katrabaho
Sueldo'y di naman kalakihang totoo.

Mga anak ay 'di pwedeng asahan
May sarili na silang pinipisanan
Minsan, anak mo'y mabait--yong asawa
naman ang s'yang masungit.

Wala na nga tayong iba pang maaasahan
Kundi sarili natin lamang
Mag impok hangga't kaya pang kumayod
Nang ang pagtanda nati'y maitaguyod
Huwag maging kawawa kung tayo na'y uugod-ugod.

------------ o -------------

Akda ni Jose Enriquez Santos
Riyadh, KSA

2 comments:

pamatayhomesick said...

panalo sa adhikain

Francesca said...

korek!

if puro give give give, send send send, ano pa maiiwan sa atin?
Sus, sa maliit na kita dapat nga mag tipid.
Kung malaki, lalong mag tipid.

Totoo yang sinabi mong buhay. It happens din dito even in France.