ANAK! GISING NA.
Noon nga'y sanggol kapa, ng ako'y mangibang bayan
Sa barkong Hapon ako'y nakipagsapalaran
Bagyo't unos sinuong sa dagat Pasipiko
Buhay sinugal, mapalaki lamang kayo.
Di ko alintana ang pagod at panganib
Mapalaki ka lamang at mapag-aral anak ko
Nang noo'y kako'y kapag lumaki ka'y
Maging maganda ang iyong buhay.
Kahit pa nga init sa disyerto ng Arabia'y sinuong ko
Dumudugong ilong,balat ko'y umitim na rin
Di ko alintana mapalaki't mapag-aral ka lang.
Ngayon nga'y noo ko'y may peleges na
Buhok ko'y maputi na
Mga kasu-kasua'y lumalagutok na
Kung lumakad ay iika-ika pa.
Nakatapos ka nga ng kursong ginusto mo
Bakit hanggang ngayo'y di ka pa nagtratrabaho?
Perang padala ko'y laging inaasahan ninyo
Di kayo magbanat ng sariling buto.
Konting panahon pa'y, ober eyj na kayo
Di naman kayo pwedeng maging pensionado
Ano't hanggang ngayo'y natutulog pa kayo
Baka naman sa higaa'y manasin na kayo.
Mga anak,GISING! at humayo--
Pakpak ibuka,lumipad kayo
Kay laki ng dagat at disyerto
Kay daming trabahong nag-iintay sa inyo.
Pag asa ko'y naririto pa rin sa puso ko
Darating ang araw na magigising kayo
Sana'y abutan ko pa ito
Tuesday, January 27, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment