Wednesday, January 14, 2009

MANGGAGAWANG PILIPINO

MANGGAGAWANG PILIPINO

Kay tagal mo na ngang nawala sa bayang sinilangan
Kung anong petsa’y di ko na alam
Sa bayan mo’y bihira kang masilayan
Pati mga anak mo’y di nakilik man lang.

Buhay mo ngay’ tila dito’y mauubos na
Sa buhay-- ay yumaman ka ba?
Bakit hanggang ngayo’y tila hirap ka
Ano nga ba ang nang yari na?

Dito kana nga tumanda at naging hukluban
Nakunot ang noo,buhok ay nagka uban
Kung lumakad ka’y iika-ikang
Masakit pati ‘yong balakang.

Anong gantimpala ba ang ‘yong napala
Sa pamilya’t sa bansa
Buong buhay mo’y sa kanila ginugol
Tila ngayo’y mukha kang kawawa.

Pamahalaan Ikaw binansagan
“Bagong Bayani” ka raw ng bayan
Ano nga ba ang mapapala mo rito
Kundi “pakunsuelo de bobo”.

Paki wari ko’y habang buhay kanang ganito
Na gustong –gusto naman ng ating gobyerno
Gatasang kalabaw turing sa iyo
Kada aalis ka’y magbayad ka iho
Duon sa POEA kana dumiretso.

Ganito kana lamang ba Juan habang buhay mo?
Sa labas kayod marino
Bulsa ng tao sa gobyerno’y pinupuno mo
Hanggang kaylan mo kaya pupunuin ito?

Gising na Bayan ko
Karapatan ipaglaban mo
Kapag di mo ginawa ito
Anak, apo kawawang lalo ang mga ito
Bayan dina makakaahon sa hirap
Malulugmok nangang ganap.

---------tapos na po ---------

Akda ni Jaime Santillan
Riyadh,KSA

No comments: