Friday, January 30, 2009

ITAY! UMUWI KA NA

ITAY! UMUWI KA NA

Itay! kay tagal mona dyan sa ibang bayan
Maliit pa ako noo'y naririyan kana
Hanggang ngayo'y kayod kalabaw kapa
Kaylan ka ba titigil talaga.

Kay daming Pasko't Bagong Taon wala ka sa piling namin
Kay daming" birthdays at graduations" duon ay wala ka rin
Ikinasal kami'y anino mo'y duon ay wala rin
Kay daming pagtitipon di ka nasilayan man din.

Ngayon nga'y tapos na kami't may hanap-buhay na
Dumito kana't mamahinga ka na
Pagod mong katawan ay ipahinga na
Nang buhay mo'y lumawig pa.

Samahan mo na lang si Ina sa pagtanda niya
Lasapin naman ninyo ang buhay na maligaya
Nawalang araw ng buhay mo sa kanya
Samantalahin habang nabubuhay ka pa.

Mahal ka namin Itay ko
Kahit panga kay layo mo
Puso't diwa'y nasasa iyo
Dahil Ikaw lang ang ama ko.

Sa pagtanda ninyo'y aalagaan kayo namin
Gaya ng ginawa ninyo sa amin
Pagsisilbihan namin kayo
Hangang sa huling hininga ninyo.

Kay sarap na pananalita, marinig ko sana sa kanila
Habang ako'y humihinga pa
Puso ko nama'y kahit konti'y lumigaya
Pangarap ko'y di lubusang naaksaya.

------------ --- Tapos na po ------------ --------- ----

Handog ko ito ulit sa mga antigo nang OFW. Alam kong ang mga salitang ito ay nais din nilang marinig sa kani-kanilang mga supling.

May akda- Jose Enriquez Santos
c/o KFSH&RC
Riyadh, KSA

No comments: