Sunday, January 25, 2009

"FILIPINA NURSES", KAY DAKILA NINYO!

"FILIPINA NURSES", KAY DAKILA NINYO!

Anong propesyon pa kaya,ang hihigit sa pagkadakila?
Sa trabaho ninyong ginagampanang masahol pa sa alila
Familya sa 'Pinas inyong iniwan,iba-ibang lahi inyong inalagaan.

Anak mula sa pagka-sangol halos dina nakita
Hanggang sila'y lumaki at nagka-asawa na
Ngayon nga'y may apo kana sa kanila
Ano't hangang ngayo'y naririto ka pa?

Ama, Ina'y nagkasakit, dimo halos naalagaan at nakita
Dito nama'y abalakang alagaan sila
Sa konting ingit nila'y natutuliro ka na
Di malaman kung ano ang iyong gagawin.

Dose oras nga ang 'yong "duty"
Sa gabi'y walang iglip ang 'yong "beauty"
Sa umaga'y ikaw ay "very sleepy"
Di naman maidlip; paligid ay "very noisy."

Ngayon nga'y may idad ka na
Balat sa mukha ay kulubot na
Buhok ay may uban na
Kung lumakad ay iika-ika pa.

Paano kana kaya ngayon?
Ikaw kaya ay may ipon?
Kung wala sino sa 'yo ang aampon
Baka sa bahay ampunan ka matapon.

Huwag naman sana Diyos ko!
Lumigaya naman sana sila ng husto
Tagal nila ditong nag sakripisyo
Pagpalain naman sana kayo
Sa inyong pagreretiro.


Mabuhay lahat ang "nurses na Pilipino!!!

------------ -----Tapos na po ------------ --------- -

Akda ni Jose Enriquez Santos
KFSH&RC,Riyadh,KSA
Alay ko po ito sa lahat ng nurses sa buong mundo
Mabuhay kayong lahat!

No comments: