HINAING NI JUAN
Buhay Pilipino bakit kaya ganito?
Sa Pililpinas ako nakatira, pero wala naman akong lupa dito
Sa trabaho, banyaga ang amo ko
Na kay liit namang magpa sueldo.
Kay daming lupa, di naman sa akin
Ari pa rin ng lahing Kastilang dumayo sa pampang namin
Kalakalan ay ari ng singkit at sakang na dayuhan
Kami nga'y alipin sa sariling bayan namin.
Bakit kaya buhay ni Juan ay ganito?
Nagkahirap-hirap, nagkaloko-loko
Kung titingnan mo nama'y matino syang tao
Bakit kaya buhay niya'y naging ganito?
Bayan niya'y dating kay ganda at kay yaman pa
Ulap ay kay puti,dagat kay kinang, gubat ay luntian
Sinalabusab ng kabayan ni Juan
Yaring langit,dagat pati na yungib sa kagubatan.
Ngayon nga'y kalikasa'y naghihingalo na
Duktor, arbularyo'y di pupwede na
Himlayang patag ihanda na
Bukas-makalaway silay yayao na.
Kawawang Juan ni makai'y wala na.
Tao sa pwesto'y walang pakialam na rin
Basta't bulsa'y puno; tiyan ay bundat
Kay dami pang ginto
Daing ni Juan di nila alam
Pagkat sila'y nagtataengang - tapayan.
Si Juan nga'y mapagpasensyang tao
Ngunit may hangganan din ito
Dalawang beses na ngang ipinakita niya ito
Pati mundo'y nagulat dito.
Ngayon nga'y si Jua'y nag aalburuto na rin
Pasensya'y nauubos at kakaunti na rin
Konting panahon pa'y-- galit niya'y sasabog din
Sa mukha ng kababayang mga salarim.
------------ --- tapos na po ------------ ---------
Akda ni J.E.Santos
Riyadh,KSA
Sunday, January 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment