MARIA CLARA, NASAAN KANA?
Nuon, kay ganda mong tingnan sa bawat kasayahan
Suot mong saya sayad na sa lupa't -'yo pang natatapakan
Balakang mo'y umaalindayog, sa tugtog ng gitarang kay tunog
Sa sayaw na tinikling, kay ganda-ganda mong panoorin
Mata ng madla sa 'yo'y nagkakaduling- duling.
Ngayon nga Maria, nasaan kana nga ba?
Dito sa 'yong bayang sinilangan 'di ka na makita
Sa magulong lungsod duon pala napadpad ka.
Saya mong suot na kay haba ngayon ay wala na
Suot mong tela'y kakampranggot
Daig mo pa ang bagong silang sa 'yong suot
Mata ng manonood sa pagtingin sa 'yo'y nagkakanda bilog-bilog.
Para ka ngang ahas sa posteng bakal nakapalupot
Bagong hunos ang balat kayat walang nakabalot
Mapanuksong tugtog,balakang mo'y umaalindayog
Kalalakiha'y sa laman mo'y hayok na hayok.
Nasaan ka na nga ba ngayon Maria Clara?
Balita'y nag abroad ka na
Sa Japan at Europe duon daw nag lalagi ka
Ikaw ba'y yumaman na't nakapag "tour "ka na?
Ako nga'y naging marino't napadpad sa lugar mo
Sa Osaka't - Kobe'y nag liwaliw ako
Ako'y nagulat ng makita ka,--duon pala'y nag o-"all d way" ka pa
Sa bilog na lamesa'y may Hapong kapareha ka.
Sa Amsterdam sa Europe, ay naroroon ka rin
Nasa loob ng iskaparateng salaming mabilog
Parang panindang pinag kakaguluhan ng mga lalaking
Hayuk na hayuk.
Pati ba naman sa Port Hartcourt, Cotonou at Apapa sa Afrika'y
naroroon ka
Sa mga itang kay lalaki'y napapasalaula ka
Sa Pakistan at Egypt ay naroroon ka rin
Hanggang sa Sweden na kay lamig ikaw ay nakita ko rin.
Bakit Mariang tiga-nayon naririyan ka?
Dati'y sa bukid, nagtatanim; Sa palengke'y nagtitinda
Ngayon nga'y nasa iba't-ibang lupalop ng daigdig na.
Hindi na nga gulay ang itinitinda mo ngayon
Katawan na kapalit ng konting dolyar na laging
hinihintay ni Juang Tamad sa maghapon.
Pagkatanggap nito'y sa mall na ang tuloy
Sila nga'y labis na nag- eenjoy.
Bakit Maria nag kaganito ka na?
Sa konting pera'y, dangal mo'y nawala na
Imahe mo sa daigdig ay sirang-sira na
Ito kaya'y maiibalik mo pa?
----0-----
Akda ni Jaime E. Santillan,
Isang Migrante sa Riyadh,KSA
Sunday, March 15, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment