Monday, March 2, 2009

OFW, SANA 'DI KANA NAUSO!

OFW, SANA 'DI KANA NAUSO!!

Sana nga 'di kana nauso pa
Disin sana'y walang pamilyang tumatangis pa
Wala na ring mga anak na umiiyak
Hinahanap ama, ina nilang nililiyag.

Kung hindi ka nauso OFW
Wala na sanang Pilipinang
Naabuso at minaltratong pisikal dito
Mga Pilipinang tapos sa kolehiyo
Na nagpaalila lamang dito sa bansang
Asal - hayop ang mga tao.

Kung nanatili na lamang sana tayo sa bayan natin
Nagsikap buhay ay paunlarin natin
'Di na sana tayo umalis pa
Pamilya sana'y buo pa
Lahat tayo'y maligaya pa.

Kung walang OFW, disin sana'y
Wala na ring OWWA at POEA
Na humuhuthot ng pera natin
Na wala namang silbi para sa atin
Bulsa lamang ng taong gobyerno
ang pinupuno, na sobrang naman ang lalim.

Lahat sana ng matatalino at magagaling
na Pilipino -- ay nasa bayan pa natin
Disin sana'y dito nila nagagamit, talino nilang ankin
Para bayan nati'y paunlarin.

Kung tayo lamang ay magsisikap sana
Tulad ng Intsik at Hapon sa bansa nila
Uunlad rin sana tayo, 'di na kailangan pang
pumunta sa kabilang ibayo --
Para mag hanap pa ng trabaho.

Kung tao lamang sa ating gobyerno'y
Matitinong tao--
Siguro'y wala ng OFW
Na kanilang naloloko.

Sana nga nuon pa ma'y wala nang OFW
Disin sana'y buo pa ang pamilya ko
Pag laki ng anak ko'y nakita ko
Ngayon nga'y mahal sana nila ako.

Hangad ko lamang ay matapos na sana
Pagiging OFW ng lahat ng Pilipino
Sa ating bayan ay maka uwi na tayo
Sa piling ng ating pamilya--
Lumigaya naman lahat tayo.

# # #

ni Ka Jaime Santillan,Riyadh, KSA

No comments: