FILIPINA,- KASAMBAHAY!
Isang kaluluwang tinulak sa bansang silangan
Dala ng labis na hirap sa bansang sinilangan
Iniwan anak,asawa maging magulang man
Hangad ay kumita ng konting yaman.
Dito nga siya napadpad sa bansang disyerto
Mga tao ay tila 'di tao, asal hayop -turing sa 'yo
Pagkain mo'y balat at buto ng ma -anggong
tupa sa disyerto
Tubig mo nama'y sa balong maalat nanggaling
Inumin ng tupa't kambing.
Madaling araw kana kung patulugin
Kay aga mo naman gisingin
Sa umaga nga'y mahilo-hilo kapa
Tadyak-sampal pag kain sa umaga.
Amo mo nga'y isang manyakis
Anak niya'y mana sa kanya
Gabi-gabi'y ginagapang ka
Sa iyo'y halinhinan sila
Animal talaga sila.
Gobyerno nati'y nagtutulog-tulugan
Sa mga hinaing nitong ating kababayan
Basta't sa kanila'y may perang dumarating
Sila'y walang pakialam sa atin
Bulsa naman nilang kay lalim
Kay hirap talagang punuin.
Darating din ang araw na sila'y paba pagbayarin
Gawa nilang di mabuti sila ang aani rin.
Di ko sila kaano-ano
At 'di ko rin kilalang totoo
Pero bakit galit na galit ako
Sa kanilang mga amo
Di ko talaga alam ang akin gagawin
Kundi ihasa ang akin patalim.
Hangad ko lang sa ating gobyerno
Paki tanggal naman sila dito
Sa bansang sibilisado
Duon naman sila magtrabaho.
Dasal ko sana'y dinggin
Sa t'wing ako'y mananalangin
Kabayan kong kasambahay
Nawa kayo'y Kanyang pagpalain.
---------o---------o----------------
Handog ko po ito sa lahat ng ating
mga kasambahay,May pag asa pa tayo
" DON'T GIVE UP!!!- Ka Jaime
Isang Migrante
Saturday, February 21, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment