SI JUAN, SA LUNGGA NAKATIRA
Noong araw ako ay bata pa
Nanghuhuli ako ng dagang bukid
Ginagalugad ko ang paligid
Ng mga saka ng magbubukid.
Hanap ko nga ay lunnga
Lungga ng mga daga
Ito nga’y nasa mga pinitak
At nasa bukid na bitak-bitak.
Madalas dito’y maputik
Sukal at damo’y hitik na hitik
Minsa’y basura’y naririto rin
Paligid ay nakakalimarim.
Ito ay noong araw, bata pa nga ako noon
Ngayong ngang lumipas na ang panahon
Sa lungga’y-- iba na ang nandoon
Si Juan doon na nag mimiron
Bahay pala niya’y naroroon
Sa tabi ng estero, tabi ng poso negro.
Siya’y may bahay pang iba, aba! mayaman pala siya
Yung isa’y nasa Ayala ; “Ayala Bridge” sa may Luneta
Sa Buendia’y may isa pa siya, sa ilalim din ng tulay pala..
Yung mga pinsan niyay’ may kaya rin sa buhay
Sa bawa’t istasyon ng bus ay may bahay
Minsan ako’y nagulat sa may” bus stop” sa Taft
Sa likod ko’y may bumalagbag ; sa itaas ng kisame nagbuhat
“Wating sheds” bahay na rin pala nila
Kay daming bahay pala nila talaga.
Sa isang banda’y mabuti na rin ito
Sa ‘yong pag uwi sa gabi
Di ka mahuhuli
May bahay ka nga, kahit saang tabi.
Panginoon namin!; Kami sa iyo’y dumadalangin
Si Juan ay kahabagan mo, bigyan ng bahay at makakain
Siya’y anak mo rin at siya nama’y masunurin.
Akda ni Jaime E.Santillan
Riyadh ,KSA
Sunday, February 15, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment