SI JUAN, ISANG SEAMAN
Magulang n'yay tuwang-tuwa
Anak nila'y sa seama'y nakatapos na
Bukas - makalawa'y nasa abroad na siya
Dollar ay makakatanggap na.
Sa Maynila'y siya'y pumunta
Nag apply sa may Ermita
Diyos ko kay hirap pala
Takong ng sapatos ko'y butas na
Sa aki'y wala pang kumukuha.
Sino ba iho ang kakilala mo rito
May" experience "ka na ba sa barko?
Duon sa kusina ka muna
Kape'y magtimpla ka
Mamaya'y linisin mo ang opisina
Kotse ni Boss, isama mo na.
Ayy! sa wakas ako'y may skedyul na
Pangalan ko'y nasa pisara na
Sa isang buwan ang alis pa
Ako nga dine'y wala ng pera.
Sa Surigao sa barko'y akoy sumampa
Pagkain ay kay sarap
Kay daming supply pa
Gaya ng yaki suba.
Patag ang dagat sa Zamboanga
Hanggang sa Surabaya, Indonesia
Seaman pala'y ganito lang
Dagat sa umaga'y
Kay gandang silayan.
Sa puerto'y kay daming nangangalakal
Babae't-lalaki' y nag uunahan
May isa akong napusuan
Siya naman ay masahe lang.
Subali't nangyari nga ang di dapat maganap
Pera ko'y wala akong pambayad
Sabon at noodles na lang
Nakangiti n'yang tinanggap
Saka limang pisong berde
Philippine dollar kako 'yan.
Patag nga ang dagat hanggang sa Pilipinas
Sa Bicol kami'y bumagtas
Bulkang Mayon aking pang nakita
Bago San Bernardino Strait na pala.
Pag labas namin dine'y
Barko'y gumewang-gewang na
Ako'y nakaupo sa may makina
Di na makatayo pa't hilong -hilo na.
Sa kamarote'y ko'y, akoy bumulakta na
Sa sobrang hilo'y di makakain o makausap nila
Tantya ko'y bituka ko'y lumuluwa na
Sa sobra kong pag susuka.
Inang ko po mamatay na yata ako
Ano man pagkain ayaw tanggapin ng tiyan ko
Pag dating sa Japan, uuwi na 'ko
Ayaw ko ng maging marino.
Sa Japan dagat ay kumalmada
Ako nga'y nakatayo't nakakain na
Nang ako'y naka sulyap ng Haponesa
Kay ganda at kay puti-puti pala nila.
Japan ay kay gandang bayan
Pati mga Hapon ay kay gagalang
"Konichiwa" batian nila
"Ohaiyo kodaimasda" naman sa umaga.
Pag uwi sa Pilipinas ay nalimutan kona nga
Hanggang sa tumagal na nga ako
Sa pagiging marinero
Buhay sa barko'y kinagiliwan ko na..
-----------Hangang dito na lang muna-------- -
may kasunod pa ito.
Akda ni Jose Enriquez Santos
Riyadh,KSA
Thursday, February 12, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment