Monday, February 9, 2009

SUMPA NG TIGA-- MALA KANYA NA

SUMPA NG TIGA-- MALA KANYA NA

Ako ang Unang Ginoo ng bansang ito
Si Madame Glory ang esposa ko
Lahat ng gawain ko'y-syempre alam n'ya 'to
Na siya namang talagang totoo.

Yung sa ZTE-NBN deal sayang kay laki sana nito
Ito kasing si Jun kumanta ng totoo
Di n'ya alam mayroon din sana siya dito
Ito kasing si Neri nakalimutang itip sa kanya 'to.

Ito namang kasing si Ben, sisiw binibilang na agad
Pati ba naman apo gusto n'yang mapasama pa dito
Ito namang si Joey V., sabi ko lang"back-off"
Nag tampo, nag sumbong kay daddy agad.

Ano ba namang klaseng mga tao kayo?
Hindi tayo yayaman ng husto
Kapag ganyan kayo
Lagi kayong nag papabisto
Yan tuloy buking na lahat ang transaksyon ko.

Ito ngang si Mike na by-pass na ito
'Kala ng tao, S'ya'y nagbago
Pangalawang buhay na nga n'ya ito.
Pero talaga s'yang GANIB na totoo
Wala ng hiya , garapalan pa nga 'to.

Lahat ng bagay ay may wakas Mickey!
Karma ninyo'y malapit ng totoo
Sa bansang 'Pinas,kay laki ng atraso n'yo
Malapit ng singilin namin kayo.

------------ 0-------- -----0--- --------0- --------- -
May akda--" Matang Lawin"

No comments: