Tuesday, February 3, 2009

YAGIT SA LANSANGAN

YAGIT SA LANSANGAN

Batang kay dungis
Katawan mo'y bala't-buto' t
Piski mo'y humpak at wala pang ipin.

Pagkalkal sa basura
Sa pusa'y nauuna ka pa
Kahit buto na lang, pinauubra mo pa.

Sa gabi'y karton banig mong higaan
Dyaryong sira,kumo't mo't damit na rin
Sa malamig na semento,bahay muna ito
Ni walang ding-ding,pangharang sa hangin.

Walang ina,walang ama
Basang sisiw kawangis niya
Sa pagdagit ng lawin,kay dali syang silain.

Paano na ba ang bukas mo bata ka?
Sabi ni Gat Jose Rizal pag-asa ng bayan ka
Papaano na ang bayan, kung ganyan ka
Kawawang Pilipinas bukas-makalawa.

Tinag na kapwa ko--
Sagipin natin batang ito
Bukas Siya na ang Pilipino
Anong klaseng bayan na tayo?

----------- tapos na po ------------ --------- -----

No comments: