Monday, February 9, 2009

INAY, KAYLAN KA BA UUWI?

INAY, KAYLAN KA BA UUWI?

Inay, kay tagal mona dyan sa ibang bayan
Sabik na kaming Ikaw ay makapisan
Maliit pa kami ng iyong iwan
Kaylan mo ba kami pipisanan?

Lumaki kaming halos di ka namin nakapiling
Walang Ina na nag aruga sa amin
Sabik nga kami sa pagmamahal mo
Gusto naming Ikaw ay dumito.

Ngayon nga’y malaki na kami
Apo mo na’y kay dami
Dumito ka na sa aming tabi
Sa higaa’y lahat tayo’y magkatabi.

Ikaw ay aming aalagaan sa pagtanda
Aarugain hanggang sa iyong pag hina
Di ka naming pababayaan magpakaylan man.

Anak, gusto ko naring mamahinga
Upang kayo’y makapiling na
Sabihan mo nga yang tatay mong lasenggero
Siya naman ang dumito at uuwi na ko.

--------------- Tapos na po --------------------------

May akda- Jose Enriquez Santos
Kfsh& RC, Riyadh, K.S.A.

1 comment:

jacqueline said...

mang joe galing natin ah.makata ka pala.nakakarelate kami ni minnie kasi ganyan din mama ko before...i'm sure ganyan din feeling prescy...keep up the good work..from.jackie guevarra kfsh