Tuesday, February 24, 2009

ONLI IN DI PILIPINS

ONLI IN DI PILIPINS

Saang bansa ka nga nakakita
Ng mga taong gobyernong--
Kakaibang hayop talaga.

Si Gonzalez na may kililing
Hepe nga sa husgadong--
Kay raming lokong abugado
Sa konting barya lang
Kaya ng suhulan.

Sa Senado, Diyos ko po!
Kay daming bobo at may sayad pa sa ulo
Kasi naman si Juan aywan ko ba,-kay daling lagyan
Yung ba naman cowboy sa barilan,
Yong isa namay may anting-anting
Sa Senado ibinoto ninyo
Hayan magtiis kayo--
Pelikula nila'y panoorin ninyo.

Si Tita Glo naman,swerte' y sobra-sobra
Gawa ng EDSA-2 naupo siya
Pumalit nga siya kay Istrada
Na sobrang "corrupt" talaga.

Nabulgar na nga ang "Hello Garci!"
Sa bayan s'ya'y humingi ng sorry
Dinayang si Ronnie --
sa sobrang lungkot
Na tsugi.

Si Joc-joke Bolante naman
Ayaw umamin sa fertilizer scam
Siya nga'y nagtago sa Amerika
Ng mabuking scam nila.

Heto naman si Nery,
May gantimpala kay Tita Glory
Ayun sa SSS sitting pretty
Pera nito'y sa stimulus fund
Ilalagay para daw sa bayan.

Balik tayo sa Senado
Kay dami pa rin ditong loko
Nandyan pa rin si Ringgo
Sa mga kontraktor may porsyento
Mga RAM boys dina siya ibinoto.

Si Enlile,arkitekto ng Martial Law
Si Tabako kasama niya sa panloloko
Taong bayan nabilog nila ang ulo
Naging bayani pa nga ang mga ito.

Nandyan pa rin si Jo de V.
Three bilyon US dollars ang behest loan
Dina niya ito binayaran,bahala na raw ang taong bayan
Ayun! anak naman niya ang kabayaran.

Ayon kay Kuh, ang lahat ng bagay ay may wakas
Kaylan kaya magwawakas; araw nitong mga balasubas
Ako'y inis-na-inis, gusto ko nang tuhugin sila
At i- flush sa kubeta,sa drainage sila mapunta.

------------ -sa inis ko tinapos ko na ito ------------ --
"Matang-Lawin"

No comments: